in

Season 2 ng ‘Quiz Beh,’ mas exciting

Siguradong magiging mas masaya at mas exciting ang nalalapit na pagsisimula ng ikalawang season ng GMA Artist Center online game show na ‘Quiz Beh’ dahil sa hatid nitong mga bagong sorpresa. 

Sa bagong season ng Quiz Beh!, may makakasama na rin ang mga manlalaro na mga taong malalapit sa kanilang mga puso. “Baka ngayon, sasamahan na rin ng mga pamilya nila, so baka may mga nanay, tatay, kapatid.”
 
Kuwento pa ni Betong, lubos siyang nage-enjoy bilang host ng Quiz Beh! dahil nakakasama niya ang kanyang mga kaibigan sa industriya. “Para kaming naglalaro lang, nag-uusap na minsan nakakalimutan namin ay sandali marami palang nanonood. Live pala ‘to.”
 
Samantala, apat na Kapuso singers ang makikisaya ngayong Biyernes (September 4) sa ‘Quiz Beh!’ Abangan ‘yan sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rhian Ramos, nag-share ng beauty secret

Pekto Nacua, excited nang mag-host ng ‘E-Date Mo Si Idol’