in

“Alyas Pogi” sa “FPJ’s Ang Probinsyano?” Bong Revilla Jr. posible na ang guesting sa ABS-CBN

Ngayong nasa labas na ng kulungan ang dating senador na si Bong Revilla Jr. at nakaroon na rin ng announcement ng muli niyang pagbabalik showbiz, marami ang nag-iisip kung saang network na nga siya ngayon mapapanood.

Balita kasi na nag-lapse na ang dati niyang kontrata sa GMA Network at open na siyang magtrabaho kung saan man may offer. Pero syempre, tatakbo din siyang senador kaya naman siguradong after elections na ang kanyang showbiz comeback.

Sa article ni Julie Bonifacio sa Bandera, deretsahang tinanong ng kolumnista ang actor-politician – “What if alukin siya ni Coco na mag-special appearance sa top-rating action drama series nitong FPJ’s Ang Probinsyano?”

Tawa lang ang ibinalik sa kanila sabay sabing, “Kayo, ha!”

May humirit pa sa napapabalita ring nanalapit na pagtatapos ng teleseryeng tatlong taon nang umeere, sagot lang ni Bong, “E, kung patapos na siya, eh ‘di, sana kung simula. Baka sabihin ako ang nagtapos. Parang hindi maganda ako ang nagtapos. Ha-hahaha! Baka sabihin ako ang nagsara.”

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Empress Schuck, balik-GMA Network ulit!

Janine Gutierrez, sasabak bilang isang “Dragon Lady”