in

Empress Schuck, balik-GMA Network ulit!

Dahil freelance actor nga si Empress Schuck, may karapatan siyang maglipat-bahay anytime, mamili ng gusto niyang project at makatrabaho Kapuso man o Kapamilya.

Mukhang enjoy naman si Empress sa estado ng career niya ngayon.

Pagkatapos ng huling regular show niya sa ABS-CBN na “Asintado” (nagtapos noon October 2018), heto na si Empress at namataan sa familiarity workshop ng upcoming teleserye ng GMA Network na “Hiram Na Anak.”

https://www.instagram.com/p/BsfHOd9hOHo/

Ang “Hiram Na Anak” ay pagbibidahan ni Yasmien Kurdi, kasama na ang mga leading men na sina Paolo Contis at Dion Ignacio. Magiging reunion project din ito ni Empress sa kabatchmate niya sa Star Magic na si Lauren Young.

Wala pang announcement kung kailan ito magsisimulang mag-airing sa TV.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Hindi pa nagsisimula ang “Kara Mia”, trending na agad!

“Alyas Pogi” sa “FPJ’s Ang Probinsyano?” Bong Revilla Jr. posible na ang guesting sa ABS-CBN