in

Janine Gutierrez, sasabak bilang isang “Dragon Lady”

Maganda ang panimula ni Janine Gutierrez sa pagpasok ng 2019 dahil meron agad siyang isang project na talagang machachallenge sila.

Noong Lunes (January 14) nga lamang ay nagkaroon ng story conference ang upcoming series niyang “Dragon Lady” kung saan nareveal na fantaserye pala talaga siya at kailangan ni Janine na mag-prosthetics para sa ilang mga eksena.

So totohanang may-dragon talaga ito? Hindi katulad ng ‘Dragon Lady’ ng “Mano Po” ni Maricel Soriano?

Sa isang pahayag ni Janine sa GMA Network, ibinahagi niya ang magiging preparations niya sa pagganap bilang “Dragon Lady.”

“Exciting talaga siya kasi bukod sa pagiging isang dragon lady na talagang may misteryo at may kaakibat na fantasy ‘yung anyo niya, lalabas din ‘yung pagiging dragon lady niya sa pagiging matapang, sa pagiging palaban.

“So buong-buo ‘yung pagiging dragon lady niya kaya excited ako sa challenges na kasama sa role na ito.”

Mukhang exciting ito ah!

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

“Alyas Pogi” sa “FPJ’s Ang Probinsyano?” Bong Revilla Jr. posible na ang guesting sa ABS-CBN

Handa na ba si Vice Ganda? “The Boobay And Tekla Show” aarangkada na!