in

Sam Concepcion, inilabas na ang music video para sa hit song na ‘Diwata’

Bagay ang makulay na music video na naglalarawan ng summer afternoon party sa upbeat na tunog ng kanta.

Kasalukuyang trending ang “Diwata” music video ni Sam Concepcion tampok si “PBB Kumunity Season 10” celebrity housemate Shanaia Gomez at may higit sa 380,000 views na sa YouTube.

Bagay ang makulay na music video na naglalarawan ng summer afternoon party sa upbeat na tunog ng kanta. Naging theme song ng Miss Universe Philippines 2021 swimsuit competition ang “Diwata” na mula sa panulat nina KIKX Salazar, Nhiko Sabiniano, Ismael Alshdegat, at Theo Martel.