in

BINI, papalamigin ang summer sa bagong single na ‘Pit a Pat’

May hatid na pampalamig sa tag-init ang P-Pop girl group na BINI sa bagong single nila na “Pit A Pat” na napapakinggan na ngayon sa mga digital music platform.

May hatid na pampalamig sa tag-init ang P-Pop girl group na BINI sa bagong single nila na “Pit A Pat” na napapakinggan na ngayon sa mga digital music platform.

Kasunod ng tagumpay ng debut album nilang “Born To Win” na nag-chart sa iTunes sa iba’t ibang bansa, tuloy lang ang BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena sa paglalabas ng makabuluhang mga kanta, gaya na lang ng “Pit A Pat” na tungkol sa pag-abot ng mga pangarap.

Isinulat ng Korean singer-songwriter na si Sophia Pae ang electro-pop na kanta habang kinompose at inareglo naman nina Rohan at Ddank ang musika nito. Merong tropical beats at English at Filipino lyrics ang “Pit A Pat” kung saan tumulong pa sa pagsusulat ng Filipino lyrics nito ang BINI. Swak ang tunog ng kanta sa mensahe nito ng pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok at pinagdadaanan sa buhay.

Ngayong taon, nakipag-collab ang BINI sa kanilang sibling group na BGYO para sa kantang “Up” at sa SB19 para sa bagong bersyon ng “Kabataang Pinoy” na theme song ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” teen edition.

Nagpasiklab din ang BINI ng talento nila sa pag-awit at pagkanta sa kauna-unahang PPOPCON 2022 kasama ng ibang P-Pop groups ngayong buwan, kung saan ipinerform nila ang mga single nilang Born To Win,” “Golden Arrow,” at “Da Coconut Nut.”

Kamakailan lang, nagtrending at napansin din ang “Zoom” dance cover ni BINI Sheena ng original artist nito na si South Korean rapper-singer Jessi, na ibinahagi pa ang video sa kanyang Instagram Story. Meron na ngayong higit sa 45.7M views ang video sa TikTok.

Isama na ang “Pit A Pat” ng BINi sa iyong summer playlist at pakinggan ang kanta sa iba’t ibang digital music platforms! Kumuha ng updates tungkol sa BINI at sundan ang BINI_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa YouTube channel nilang BINI Official.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Star Magic, paiinitin pa ang tag-init sa ‘Slay the Hot Summer’

Sam Concepcion, inilabas na ang music video para sa hit song na ‘Diwata’