in

Pinakahihintay na ‘Moment’ ni Jayda Avanzado, magaganap na ngayong June 26 & 27

Handang-handa na ang music royalty na si Jayda para ibida ang natatanging talento sa pag-perform sa nalalapit na “Jayda in Concert” event, na magaganap na sa June 26 (Sabado), 8 pm at may re-run sa June 27 (Linggo), 10 am sa KTX.ph, iWanTTFC, at TFC IPTV.

“Abangan ang different side ko and see me hopefully in my full element,” imbitasyon ni Jayda na sinabi ring marami sa song numbers niya ay tila ikagugulat ng mga manonood. “Prepare to be surprised!”

Nito lamang June 1 nang ipagdiwang ni Jayda ang kanyang 18th birthday at tila isang malaking regalo ang nasabing concert dahil na rin sa ito na nga aniya ang pinaka-inaabangan niyang moment sa buhay niya. “Ito talaga ang dream ko since I was young to headline my own show.”


Mabibili ang tickets para sa “Jayda in Concert” sa KTX.ph, iWantTFC, and TFC IPTV sa halagang P499. May handog ding VIP tickets ang KTX na bukod sa concert ay magbibigay access din sa VIP party sa Zoom kasama si Jayda sa halagang P799.

Makisaya na sa inaabangang “Jayda in Concert” live sa June 26 (Sabado), 8 pm at ang re-run nito sa June 27 (Sunday), 10 am sa KTX, iWantTFC, at TFC IPTV. #JaydaInConcert