in

Maxine Medina at Dion Ignacio, tampok sa fresh episode ng ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado

Tunghayan ang isang natatanging kuwento ng masalimuot na pag-iibigan na hahamakin ang lahat sa fresh episode ng award-winning drama anthology na ‘Magpakailanman’ na pinamagatang ‘Mahal Kita, Mahal Mo Siya’ ngayong Sabado, June 12.

Parehong nasa magulong relasyon sina Jon (Dion Ignacio) at Anne (Maxine Medina). Si Jon ay mayroong kinakasama na higit na mas bata sa kanya, si Kim (Yvette Sanchez). Habang si Anne naman ay nakatali sa isang lesbian, si Roxy (Arny Ross).

Nang magtagpo ang landas nina Jon at Anne ay hindi maitatago ang pagtingin nila sa isa’t isa. Makalipas ang limang taon ay pagbibigyan ni Anne ang binata pero malalaman ni Jon na nais lang pala siyang kuning sperm donor nila ni Roxy.

Lalayuan ni Jon si Anne at susubukang ayusin ang relasyon kay Kim pero matutuklasan niyang may iba pala itong lalake. Tuluyan nang lilipad ng ibang bansa si Jon at doon naman mare-realize ni Anne na mahal na niya ang binata at muling magtatagpo ang dalawa.

Sa pagsisimula ng kanilang pag-iibigan ay saka naman sila muling guguluhin nina Kim at Roxy.

Abangan ang naiibang love story na ‘yan sa fresh episode ng #MPK – sa direksyon ni Neal Del Rosario – ngayong Sabado, 8PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pinakahihintay na ‘Moment’ ni Jayda Avanzado, magaganap na ngayong June 26 & 27

Mensahe ni Deputy Speaker Loren Legarda ngayong Araw ng Kalayaan