in

Mystery game show ng bansa na ‘I Can See Your Voice,’ magbabalik na!

Tagumpay sa gitna ng pandemiya ang magpapasaya at pupukaw sa mga manonood sa pagbabalik ng kinagiliwang mystery game show ng bansa na “I Can See Your Voice” kasama ang pambansang host na si Luis Manzano ngayong Sabado (Oktubre 24) sa A2Z channel 11.

Makakasama ni Luis dito ang dating SING-vestigators na sina Queen of Teleserye Theme songs Angeline Quinto, King of Pinoy Rap na si Andrew E, at Kaladkaren.

Mas magiging kwela pa ang samahan ng SING-vestigators sa pagsama nina Negi, Eric Nicolas at Long Mejia.

Panoorin rin ang hatian sa nasabing SING-vestigators at abangan ang bagong pakulo ng favorite ka-bonding ng mga Kapamilya tuwing weekend.

Sa kanilang pagbabalik, susubukin ang galing nina Diamond record awardee Nina at Fearless Diva Jonas a paghula kung sino ang SEE-ngers at SEEN-tunado.

Mapapanood ang “I Can See Your Voice sa A2Z channel tuwing Sabado, 7:45 PM, at Linggo 7:15 PM sa A2Z channel.

Ang A2Z channel 11 ay mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

Patuloy pa rin itong mapapanood tuwing weekend sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aiko Melendez at Wendell Ramos, masuwerte sa isa’t isa

Kim Domingo, umaming nakaranas ng anxiety