in

Aiko Melendez at Wendell Ramos, masuwerte sa isa’t isa

Maituturing daw na ‘lucky charm’ nina Prima Donnas stars Aiko Melendez at Wendell Ramos ang isa’t isa.

Bata pa lang daw ay magkaibigan na ang dalawa dahil sa kanilang manager noon, ang namayapang si Douglas Quijano. Tanong tuloy ng netizens, sa tagal na nilang magkakilala ay bakit nga ba hindi na-link sina Aiko at Wendell sa isa’t isa?

Paliwanag ni Aiko, “Kasi matagal na kaming magkaibigan ni Wendell, mga bata pa lang tayo, ‘di ba?”

Sey pa ni Wendell, “Yes, tsaka nung una ko pa lang pagpasok sa industriya natin, sa showbiz, ang una ko pong kaibigan na artistang babae talaga, at kumausap sa akin kahit pagkatapos noon kumuha niya ng award, naalala mo ‘yun? Aiko Melendez ka na nun, e.”

“Grabe naman ‘to, magkasing-edad lang tayo halos,” natatawang sagot naman ng aktres.

Suwerte rin daw sila dahil sa nagtatagal ang mga teleserye na kanilang pinagsasamahan kagaya ng Prima Donnas, “Laging ‘pag nagsasama kami ni Wendell, sobrang tumatagal ‘yung mga show.”

Nitong Oktubre 18 ay natapos na ang 21-day lock-in taping ng cast and crew ng Prima Donnas. Kaya naman inaabangan na ng fans ang nalalapit na pagpapalabas ng fresh episodes ng serye. Samantala, patuloy naman na napapanood ang recap ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Sakto’ nina Amy Perez, Jeff Canoy, at Johnson Manabat, palalakasin pa ang Teleradyo Morning Block

Mystery game show ng bansa na ‘I Can See Your Voice,’ magbabalik na!