in

Kim Domingo, umaming nakaranas ng anxiety

Hindi napigilan ni Kapuso actress Kim Domingo na maging emosyonal nang mapag-usapan ang kanyang best friend na pumanaw dahil sa lung disease nitong Agosto. 

Sa interview ng 24 Oras, ibinahagi ng aktres na labis niyang dinamdam ang pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan. Ikinuwento rin ni Kim na dahil dito ay nagkaroon siya ng anxiety at nakaranas ng clinical depression kaya’t kumonsulta siya sa isang specialist. 

Sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay unti-unti siyang nakabangon sa pinagdaanan.

“Tuwing magkakaroon ako ngayon ng achievement, sabi ko pupunta ako lagi sa kanya. Dadalawin ko siya. Every achievement na mararating ko ngayon, sabi ko, alay ko ‘yon sa kanya. Ang dami naming dreams. At saka sa lahat ng pangarap ko sa buhay talagang kasama na siya dun kasi hindi ko siya itinuring na parang kaibigan lang kasi part of the family talaga,” say pa ng Bubble Gang mainstay.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mystery game show ng bansa na ‘I Can See Your Voice,’ magbabalik na!

ABS-CBN, nagpahayag ng suporta kay Angel Locsin