in

Mark Herras, trending ang dance video sa TikTok

Hindi makapaniwala ang tinaguriang ‘Bad Boy of the Dancefloor’ na si Mark Herras sa kaniyang trending na TikTok video kung saan napanood siyang sumasayaw sa kantang ‘Average Joe,’ na pinasikat niya ilang taon na ang nakaraan.

Sa kuwento ng Kapuso artist, hindi raw niya inaasahang magba-viral ito dahil ginawa lamang niya ang sayaw upang malibang habang naka-quarantine, “Nagulat ako na padami nang padami ang shares hanggang ‘yun nga, nag-trending na kahit sa Twitter. Parang ayaw ko na nga gawin kasi medyo nagsasawa na ako kasi parang buong buhay ko na siyang sinasayaw,” biro ni Mark.

Laking pasasalamat din niya dahil hindi pa rin nakakalimutan ng fans at ng publiko ang dance craze na ito. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA News and Public Affairs, may podcast na!

Kris Bernal, tuloy pa rin ang pag-asikaso ng negosyo