in

Kris Bernal, tuloy pa rin ang pag-asikaso ng negosyo

Walang makakapigil sa Kapuso star na si Kris Bernal sa kaniyang pag-lalagare sa trabaho para sa kaniyang mga minamanage na business kahit may ECQ.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang isa sa kanyang mga pangarap para sa kanyang makeup brand na SHE Cosmetics. Nagmistulang “mini-warehouse” ang bahay ni Kris dahil sa mga inuwing mga stocks ng kaniyang produkto.

Aniya, pangarap niya talagang magkaroon ng sariling HQ o opisina para sa negosyo. Dream ko talaga na magkaroon ng sariling office and HQ, pero for now, lagare ka muna guuuurl! New week in lockdown, new week to reset, and retry anything you may have missed out on last week. Today is a new day!”

Hindi nawawalan ng pag-asa si Kris na bubuti na rin ang kalagayan ng mundo laban sa pandemiya. Para sa kaniya, maiigi na nagiging productive siya sa bahay habang suspendido pa ang mga taping at shootings dahil a lockdown. Good job, Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mark Herras, trending ang dance video sa TikTok

Rodjun Cruz at Dianne Medina, patuloy ang pagtulong sa frontliners