in

GMA News and Public Affairs, may podcast na!

Ikinatuwa ng marami ang balitang magiging available na rin sa podcast ang mga programa ng GMA News and Public Affairs.

Ibig sabihin kasi nito, mapapakinggan na natin ang mga in-depth journalism at longform feature storytelling na tatak GMA News and Public Affairs kahit saan, kahit kalian.

Sa podcast channel ng GMA News and Public Affairs Digital, tatlong episode mula sa “Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie” ang maaari munang mapakinggan ng mga Spotify at Apple Podcast users.

Asahan na madadagdagan pa nga ito lalo na’t maraming magagandang materyal ang napo-produce ng GMA New and Public Affairs. Kaya siguraduhing naka-subscribe na sa podcast channel ng GMA News and Public Affairs Digital via https://apple.co/3da7laj at https://spoti.fi/2KTieBj.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Karelasyon’ muli munang mapapanuod sa timeslot ng ‘Ilaban Natin ‘Yan’

Mark Herras, trending ang dance video sa TikTok