Nag-trending ang “Hala, nahulog!” video ni Maine Mendoza kung saan ay aksidente siyang nahulog nang subukang mag-slide sa railing habang nagho-host ng ‘Bawal Judgmental’ sa set ng Eat Bulaga noong June 27.
Gulat na gulat ang ibang dabarkads at staff ng programa nang magdire-diretso si Maine pababa na naging sanhi ng kanyang malaking pasa sa bandang tuhod.

Kahit pa man nasaktan, ginawa na lang din ni Maine na katawa-tawa ang pagkakadulas sa kanyang “sLide.mp4” Twitter video na mayroon na ngayong halos 140k likes.
Bagama’t marami ang napasaya ng video, may ilan ding nag-alala sa Eat Bulaga host matapos niyang i-post ang nakuhang pasa sa tuhod. “Naku! Ingat ka Maine. ‘Yan pala sinasabi ni Bossing na dapat kumuha ka ng kadouble mo hehe,” ani pa ng isang netizen.

Nakatakda namang ipagdiwang ng longest-running noontime show ang kanilang ika-41 anibersaryo ngayong July 31. Samantala, patuloy na napapanood si Maine at Bossing Vic Sotto tuwing Sabado sa ‘Daddy’s Gurl’ sa GMA.