in

Carla Abellana at Tom Rodriguez, ano ang madalas pag-awayan?

Bumuhos ang kilig at good vibes sa newest Q&A vlog ng Kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez kung saan sinagot ng dalawa ang ilang questions mula sa kanilang fans sa official YouTube channel ni Tom.

Game na game nilang sinagot kung ano nga ba ang madalas nilang pag-awayan at kung gaano sila kadalas mag-away. 

Ayon kay Carla, gaya ng ibang mag-partner, may mga hindi rin sila napagkakasunduan ni Tom. Aniya, “It doesn’t matter kung ano ‘yung pinag-awayan, ang importante, pag-uusapan at aayusin. Hangga’t maaari as soon as possible pag-usapan na and ayusin na bago pa mag-sunrise the following day.”

Kinilig naman ang netizens sa pagiging maunawain at tila perfect ng dalawa para sa isa’t isa, “That line “sure ako” at “wala na akong ibang gusto.”

Naluha naman ako. Forever na talaga!” Samantala, matapos makipagkumustahan at chikahan ni Carla sa fans ng pinagbibidahang serye na ‘Love of my Life’ sa kanilang online get-together na #LetsTalkLove, si Mikael Daez naman ang sasabak ngayong darating na Biyernes (July 3) 6PM, sa Facebook page ng GMA Drama.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Maine Mendoza, bakit nagkapasa sa set ng ‘Eat Bulaga?’

Kim Domingo, nagpaalala na ‘wag inggit at pride ang pairalin