in

Rita Daniela, binalikan ang experience bago sumikat ang ‘My Special Tatay’

Nakatakda na raw sanang mag-migrate sa ibang bansa ang Kapuso star na si Rita Daniela at iwanan ang kaniyang showbiz career sa Pinas bago dumating ang naging big break niya sa GMA Afternoon Prime drama series na ‘My Special Tatay.’

Sa exclusive interview ng GMA Network, ibinahagi ng aktres na hindi niya inaasahang mamahalin ng mga manonood ang mga karakter sa nasabing serye, “Bago ko po nakuha ‘yung role na Aubrey, akala ko po nun talaga, ‘yun na po ‘yung end ng career ko sa show business.”

At matapos nga ang ‘My Special Tatay,’ talagang sinundan na ng Kapuso viewers ang journey ni Rita at ni Ken Chan bilang isang love team at naging sunud-sunod ang projects na pinagkatiwala ng GMA sa kanila.

Mapapanood ang emosyonal na kwento ni Rita sa #SolidKapuso video entry niya sa GMA 70th Anniversary special sa GMA Network YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kris Bernal, tumutulong sa mga tulad niyang business owners

Maine Mendoza, bakit nagkapasa sa set ng ‘Eat Bulaga?’