in

Kyle Echarri, singer-songwriter na rin sa bagong single na ‘I’m Serious’

Handa na si Kyle Echarri para sa seryosong papel hindi lang sa buhay ng babaeng minamahal niya kundi pati na rin sa kanyang music career sa bago niyang single na “I’m Serious,” na mapapakinggan na sa Biyernes (Setyembre 11).

Si Kyle ang nagsulat at nag-produce ng kanta mula sa Star POP label ng ABS-CBN Music, na unang pagsabak niya sa sariling music project bilang isang singer-songwriter at music producer. Ang label head ng Star POP na si Rox Santos ang nagsilbing supervising producer ng upcoming album ng batang artist na “Sayaw Ng Mga Tala,” kung saan makakasama ang bagong awitin.

Ang “I’m Serious” ay isang love song kung saan naghahanap ng paraan ang isang lalaki para pawiin ang pag-aalala ng isang babae sa pamamagitan ng paninigurado na hindi siya magtataksil dito. Ipinaparamdam din sa kanta ang malalim na pagmamahal para sa isang ispesyal na tao habang ipinapakita ang malinis na intensyon para rito.

Bago opisyal na inilabas ang kanta, 15 fans na nanalo sa contest ng Star POP sa Twitter ang unang nakarinig ng awitin sa pamamagitan ng isang virtual fan meet at listening party nitong Miyerkules (Setyembre 9).

Si Kyle ay nakaabot sa Top 6 ng “The Voice Kids” season 2 taong 2015. Nakipag-collaborate siya nitong 2019 sa 16-year-old Singaporean talent na si Haven para sa kantang “Imagine.” Noong 2018, inilabas ng “Kadenang Ginto” breakout star ang hit song niya na “Pangako,” na pumwesto sa top spot ng Top 100 Songs Chart ng iTunes PH noong i-release ito.

Maniwala sa tunay na pagmamahal at pakinggan ang bagong kanta ni Kyle na “I’m Serious” sa iba’t ibang digital streaming platforms ngayong Biyernes (Setyembre 11). Para sa iba pang detalye, sundan ang StarPOP PH sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Instagram (@starpopph). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Miguel Tanfelix, lagpas 3 milyon na ang fans sa TikTok!

Kyline Alcantara, aminadong fan ni Nora Aunor