in

Miguel Tanfelix, lagpas 3 milyon na ang fans sa TikTok!

Nakakabilib ang lakas ng following ng Kapuso star na si Miguel Tanfelix sa TikTok! Patuloy na tumataas ang bilang ng kaniyang followers na sa ngayon ay higit tatlong milyon na!

Sa swabe ba naman niyang dance moves at nakahuhumaling na mga tingin, hindi na ito nakakagulat. At talaga namang nakatutok ang fans niya sa bawat video na ipino-post niya sa TikTok. As of this writing, ang “Back To The Beat” dance challenge ang most-viewed sa TikTok ni Miguel at mayroon itong 12.2 million views!

Maganda ang takbo ng career ng aktor ngayon kahit na may pandemic, inuulan ng blessings at endorsements!

Samantala, napapanood din siya sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo sa GMA!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bianca Umali at Kyline Alcantara, kambal-tuko sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’

Kyle Echarri, singer-songwriter na rin sa bagong single na ‘I’m Serious’