in

Kalmado! Connie Sison, hinangaan sa pagiging propesyunal

Marami ang bumilib sa ipinakitang professionalism ng GMA News anchor na si Connie Sison sa naging live interview niya with a high ranking government official na napanood last Tuesday sa Unang Hirit.

Kahit kasi tila tumataas na ang boses ng nasabing opisyal, magalang pa rin si Connie at poised sa pag-handle ng nasabing sitwasyon.

Marami nga sa mga manunuod ang nagpahayag sa social media ng kanilang pagsaludo kay Connie dahil pinatunayan niya lang kung ano ang dapat ginagawa ng mga mamamahayag—ang manatiling objective at tanungin ang mga nais ding itanong ng publiko kahit minsan ay tila nababalingan sila ng init ng ulo ng kausap nila.

Hindi nga raw ito madali lalo na sa mga panahon ngayon. Kaya naman, “lodi” raw na maituturing si Connie.  

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso stars: “Balang araw babalik din sa normal ang lahat, kapit lang!”

Bianca Umali at Miguel Tanfelix, may mga bagong natutunan habang naka-quarantine