in

Bianca Umali at Miguel Tanfelix, may mga bagong natutunan habang naka-quarantine

Sa interview ng 24 Oras, naikuwento ng ‘Kambal, Karibal’ stars na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang mga bago nilang natutunan habang naka-quarantine. Ayon kay Bianca, naging coping mechanism niya ang pagdadasal.

Aniya, “Number one is having faith, ‘yung pagdadasal, ‘yun talaga ang one of my, well actually, number one way of coping.”

Bukod dito, natuto rin siyang mag-meditate.

“I’ve learned to meditate and I’m still learning. I have never thought na mae-enjoy ko siya. It’s as simple as just closing your eyes and thinking of nothing.”  

Samantala, natutunan naman ni Miguel kung paano mag-play ng cello, “I learned how to play cello. ‘Yun ‘yung bago kong pinagkakaabalahan ngayon,” saad ng aktor.

Pansamantalang napapanood ang ‘Kambal, Karibal’ kapalit ng ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ sa timeslot nito sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kalmado! Connie Sison, hinangaan sa pagiging propesyunal

Mikael Daez, ibinahagi ang vlog ng unang international trip nila ni Megan Young