in

Kapuso stars: “Balang araw babalik din sa normal ang lahat, kapit lang!”

Ngayon ngang wala pa ring kasiguraduhan kung kailan matatapos ang krisis na ito, ipinadama ng mga artista ng GMA na hindi nila iiwan ang mga Kapuso at magkakasama-sama rin silang muli balang araw.

Sa Facebook video na ini-upload ng GMA Pinoy TV, makikita ang iba’t ibang Kapuso stars na sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Chef Boy Logro, Chynna Ortaleza, Camille Prats, Iya Villania, Rayver Cruz, Aicelle Santos, Gil Cuerva, Solenn Heussaff, Pops Fernandez, Christian Bautista, Aiai delas Alas, Lani Misalucha, Carmina Villaroel, Ken Chan, at Rita Daniela.

Isa-isa silang nagbigay ng message of hope na balang araw ay babalik din sa normal ang lahat — tawanan, kantahan, sayawan, kainan — at magiging mas malapit pa pagkatapos ng pagsubok na ito basta’t kumapit lang.

Sa dami ng hindi masyadong magandang nangyayari sa paligid natin, nakaka-good vibes at nakaka-inspire nga naman talaga kapag makakakita ka ng ganitong klase ng encouragement sa social media. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Janine Gutierrez, ipinasilip ang kanyang ‘new normal’ habang naka-lockdown

Kalmado! Connie Sison, hinangaan sa pagiging propesyunal