in

Jak Roberto, na-excite na gumanap bilang DJ Loonyo sa #MPK

Sa upcoming brand new episode ng ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado (July 18), gaganap si Jak Roberto bilang ang viral dancer/choreographer na si DJ Loonyo. 

Kuwento ni Jak, na-excite raw siya nang malaman na siya ang napili para sa role, “Nung binigay sa akin ‘yung role, na-excite po ako. Sabi ko gagalingan ko talaga kasi maganda rin po ‘yung pagkakasulat ng kwento. ‘Yung buhay ni DJ Loonyo, interesting kasi mahu-hook ka sa umpisa pa lang. Ipapakita namin kung paano siya nagsimula sumayaw at ano ‘yung mga naging struggle niya sa buhay.”

Sa mismong set ay naging mahigpit daw ang production team sa safety protocols. “Sinabi naman po sa amin na bago mag-taping ay  idi-disinfect muna ‘yung lugar, may rapid testing po para sa lahat ng kasama, limited lang din ‘yung mga tao tapos hindi rin ganun katagal ‘yung oras ng taping. Sabi ko sige po, kailangan na rin natin mag-adjust sa new normal. Magkahalong excitement at kaba pero mas nangibabaw po ‘yung excitement.”

Abangan ang “Dance King ng Quarantine: The DJ Loonyo Story” ngayong Sabado, pagkatapos ng ‘Pepito Manaloto’ sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong ‘Wish Ko Lang!,’ pinusuan ng viewers

Rocco Nacino, kinarir ang pagiging karpintero!