in

Rocco Nacino, kinarir ang pagiging karpintero!

Dahil hirap kumuha ng workers, nagsilbing karpintero na rin si Rocco Nacino para matapos ang accent wall sa pinapagawang bahay.

“Grabeng shift sa career,” panimula niya sa latest vlog. “So from being an actor, gardener, pintor, different types of work na pwede kong gawin dito sa bahay, just to make it faster dahil ang hirap kumuha ng workers dahil sa COVID-19 scare.

Dalawang workers lang, supposed to be parang more than 10 ang workers. So today andito ako para tumulong.”

Dagdag na kuwento ni Rocco, “Kinakabahan ako kasi mahirap ata. Kasi itong part ng bahay, napaka-importante, dahil ito ang accent wall ng labas ng bahay at ito [bricks] ang mga ikakabit natin today. Masasabi ko lang good luck sa ‘kin kasi hindi ko pa ito nagagawa sa buong buhay ko.”

Inabot ng limang araw bago nila natapos ang fixture ng four-sided brick wall.

Kaya mas lumalim daw ang paghanga ni Rocco sa mga manual laborers, “Hands down ako sa mga kuya na gumawa ng bahay lalo na walang machinery. Kudos ako sa mga construction worker na nagpupursige na gumawa ng magandang trabaho.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jak Roberto, na-excite na gumanap bilang DJ Loonyo sa #MPK

Mga beteranong public affairs host, magbibigay ng tips sa ‘new normal’