in

Bagong ‘Wish Ko Lang!,’ pinusuan ng viewers

Mainit ang naging pagtanggap ng viewers sa pagbabalik-ere ng Wish Ko Lang! nitong Sabado at talaga namang ‘wish granted’ ang mapanuod muli si Vicky Morales bilang  ‘fairy godmother’.

Napapanahon nga ang bagong Wish Ko Lang! na hatid ay pag-asa at inspirasyon sa atin sa gitna ng pinagdadaanan natin ngayon.

May kurot sa puso ang episode nung Sabado kung saan tampok ang kuwento ng isang ina na kinailangang mamasukan bilang construction worker upang itaguyod ang pamilya matapos di makauwi ang asawa dahil sa community quarantine.

May bonggang pakulo pa ang Wish Ko Lang! dahil maaaring manalo ang Facebook followers ng show ng bagong laptop, cellphone, at GMA Affordabox sa contest na ‘Saluhin Ang Iyong Hiling!’ Maaaring pumunta sa  https://bit.ly/2ZX4MmV para sa ibang detalye. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Legaspi family, ipasisilip ang kanilang buhay-quarantine sa Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition

Jak Roberto, na-excite na gumanap bilang DJ Loonyo sa #MPK