in

Gerald Anderson, natuklasang nakunan si Yam Concepcion sa ‘Init Sa Magdamag’

Muli na namang nasubok ang pasensya ni Tupe (Gerald Anderson) nang aminin sa kanya ni Rita (Yam Concepcion) na hindi lang siya nito itinulak palayo kundi nakunan ito noong sila’y maghiwalay sa “Init sa Magdamag.”

Nagdesisyon si Rita na aminin ang lahat sa dating kasintahan dahil inisip nitong ito lang ang paraan para makapagsimula muli. Pero imbes na magkaayos ang dalawa, sinalubong siya ng galit ni Tupe.

Lalu namang umigting ang pagkamuhi ni Peterson (JM de Guzman) kay Tupe dahil natuklasan nito na hindi lang pala dating kasintahan ito ni Rita, kundi siya rin ang lalaking minsan niyang sinubukang ipaligpit para makuha ang asawa. Samantala, sa kanyang pagbabalik sa nakaraan, naalala rin ni Peterson na mga tauhan niya ang nakapatay sa ama ni Tupe.

Sa sunod-sunod na pinukol sa kanya ng tadhana, saan dadalhin si Tupe ng kanyang galit? Muli kayang pagtangkaan ni Peterson ang kanyang buhay?

Mula sa Star Creatives, ang “Init sa Magdamag” ay nasa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.

Panoorin ang “Init Sa Magdamag” gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel. Mapapanood naman ang advanced episodes nito sa iWantTFC at WeTV iflix.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga Pilipino abroad, nakiisa sa ‘Feel Good Pilipinas’ Dance Challenge

Bianca Umali, kinabahan kay Dennis Trillo?