in

Bianca Umali, kinabahan kay Dennis Trillo?

Ang upcoming family drama series na ‘Legal Wives’ ang unang teleseryeng pagsasamahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at versatile actress Bianca Umali.

Naikuwento ni Bianca na masaya siyang mapabilang sa makabuluhang serye at lubos siyang nag-e-enjoy na makatrabaho ang mahusay na aktor.

“It was exciting but at the same time medyo kinakabahan ako kasi napakagaling umarte ng isang Dennis Trillo. To have the opportunity to be in a scene and act with him beside you, not everyone has experienced that,” pahayag ni Bianca.

“So ayun na, noong nasa eksena na kami, grabe! Sobrang natuwa ako kasi I was really looking forward to it. I really enjoy kapag na-e-experience ko ‘yung trabaho ng magagaling na actor,” dagdag pa niya.

Gagampanan ni Bianca ang karakter ni Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael na role naman ni Dennis. Ang Legal Wives ay tungkol sa isang lalaking Maranaw na may tatlong babae na pakakasalan para sa iba’t ibang dahilan.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gerald Anderson, natuklasang nakunan si Yam Concepcion sa ‘Init Sa Magdamag’

Community Pantry Volunteers, panalo ng kalahating milyon sa ‘Everybody, Sing!’ ni Vice Ganda