in

Gerald Anderson, natuklasang nakunan si Yam Concepcion sa ‘Init Sa Magdamag’

Muli na namang nasubok ang pasensya ni Tupe (Gerald Anderson) nang aminin sa kanya ni Rita (Yam Concepcion) na hindi lang siya nito itinulak palayo kundi nakunan ito noong sila’y maghiwalay sa “Init sa Magdamag.”

Nagdesisyon si Rita na aminin ang lahat sa dating kasintahan dahil inisip nitong ito lang ang paraan para makapagsimula muli. Pero imbes na magkaayos ang dalawa, sinalubong siya ng galit ni Tupe.

Lalu namang umigting ang pagkamuhi ni Peterson (JM de Guzman) kay Tupe dahil natuklasan nito na hindi lang pala dating kasintahan ito ni Rita, kundi siya rin ang lalaking minsan niyang sinubukang ipaligpit para makuha ang asawa. Samantala, sa kanyang pagbabalik sa nakaraan, naalala rin ni Peterson na mga tauhan niya ang nakapatay sa ama ni Tupe.


Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.