in

Bagong version ng ‘Nag-iisa Lang’ ni Angeline Quinto, handog para kay Baby Sylvio

Una itong ni-release taong 2013 at naging bahagi pa ng soundtrack ng 2015 serye na “Pangako Sa’Yo.”

May bagong rendisyon si Angeline Quinto ng kanyang hit song na “Nag-Iisa Lang” na alay niya para sa kanyang baby boy na si Sylvio.

Tampok ang mala-lullaby na tunog at mala-angel na boses ni Angeline sa reimagined version na prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siya ring nagsulat ng liriko nito katulong si ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division head Robert Labayen.