in

ABS-CBN at Uplive, may kasunduan para sa ‘Idol Philippines’

Sa bagong audition process, kailangan lang nilang i-download ang Uplive app at i-upload ang kanilang audition video.

Nagkasundo ang ABS-CBN at Uplive para mapadali ang pag-audition ng aspiring singers na gusto maging susunod na kampyeon ng “Idol Philippines” at magkaroon ng access sa ekslusibong content para sa ikalawang season nito

Sa bagong audition process, kailangan lang nilang i-download ang Uplive app at i-upload ang kanilang audition video. Bukod dito, magiging updated din ang users ng nasabing platform sa bonggang surprises at updates ng programa.

Inanunyso nang “Idol Philippines” ang kanilang bagong set of ‘Idol’ judges na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez- Alcasid, Philippines’ Most Streamed Female artist Moira dela Torre,ang Frontman ng Parokya ni Edgar Chito Mirandaat siMr. Pure Energy Gary Valenciano. Magsisilbi naman bilang host ng programa ang award-winning host na si Robi Domingo.

Abangan ang pagsisimula ng Idol Philippines Season 2 sa pagkakasundo nito Uplive. Sa karagdagang updates sa bagong season, i-follow ang @idolphilippines sa Facebook, Twitter, Instagram, at Uplive, at magsubscribe sa YouTube channel ng Idol Philippines. I-follow din ang Maari rin nilang bisitahin ang Facebook (Uplive Philippines), o Instagram (uplive.philippines) account ng Uplive o i-download ang kanilang app (www.tinyurl.com/DownloadUplive).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong version ng ‘Nag-iisa Lang’ ni Angeline Quinto, handog para kay Baby Sylvio

Piolo Pascual at Pia Wurtzbach, magkatuluyan kaya sa ‘My Papa Pi’ season finale?