in

Apila ni Sheryn Regis: ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’

Ipapamalas muli ng Kapamilya diva na si Sheryn Regis ang galing niya sa pagbirit sa mapangahas niyang awitin na pinamagatang “Gusto Ko Nang Bumitaw” na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes (Setyembre 24).

Tungkol ang bagong Star Music ballad sa paghihirap ng isang tao na umalis sa isang mapang-abusong relasyon at ang tuluyang paglayo niya sa taong minamahal.

“The song gives hope and courage to everyone who’s been struggling and trying to escape an abusive relationship. There is still a chance to move away, to choose yourself and to begin again,” ani ng tinaguriang “Crystal Voice of Asia.”


Iwanan na ang toxic na relasyon at pakinggan ang “Gusto Ko Nang Bumitaw” sa iba’t ibang digital music streaming services ngayong Biyernes (Setyembre 24). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).