in

Klea Pineda at Mark Herras, ipaglalaban ang pag-iibigan sa ‘#MPK’

Isang kuwento ng pag-ibig na magpapatunay sa kasabihang ‘first love never dies’ ang tampok sa fresh episode ng award-winning drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, Setyembre 25.

Bida sa episode na pinamagatang ‘My First, My Forever’ sina Klea Pineda bilang Irene, Mark Herras bilang Guding, Dominic Roco bilang Nelson, at Maey Bautista bilang Ninang Efreng.

Maituturing na first love nina Irene at Guding ang isa’t isa subalit paghihiwalayin sila ng tadhana. Nangako sila na hindi magiging hadlang ang pagpunta ni Irene ng Maynila upang mag-aral.

Pero makikilala ni Irene sa kanyang pinapasukang trabaho si Nelson na labis siyang gusto. Kaya kahit na inamin ni Irene na mayroon nang nagmamay-ari ng kanyang puso, pinagsamantalahan pa rin siya ni Nelson. Nagdalang-tao si Irene at pinilit na ipakasal ng ama ni Nelson.

Labis na nasaktan si Guding nang malaman ang balita at nagdesisyong sumali ng NPA. May pag-asa pa nga kaya ang pag-iibigan nina Irene at Guding?  

Abangan ang ‘My First, My Forever’ ngayong Linggo, 7:15PM, sa Magpakailanman.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Apila ni Sheryn Regis: ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’

Paulo Avelino, lumalambot na ang puso kay Janine Gutierrez sa ‘Marry Me, Marry You’