in

Alden Richards, binigyang-diin ang importansya ng responsible gaming

Aminado ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na stress reliever niya ang game streaming.

Isa ito sa mga libangan niya ngayon habang hindi pa busy sa kanyang mga trabaho.

Sa panayam niya sa 24 Oras, ibinahagi ng All-Out Sundays at Centerstage star na layunin niya bilang isang livestreamer ang pagpo-promote ng responsible gaming.

Aniya, “I promote responsible gaming. We can all enjoy gaming pero pwede nating i-enjoy ‘yun nang nagiging responsible. Yung kinaganda ng gaming, parang hindi ako si Alden Richards du’n. I’m part of the gaming world. Pantay-pantay kami. It’s a matter of skills, dedication and love for the game.”

May paalala rin siya sa mga nais magkaroon ng career sa game streaming, “Hindi mo naman kailangan ng mamahaling gamit. Hindi mo kailangan ng daan-daang libong [game] setup para makapag-livestream ka. Kapag may laptop ka dyan, mayroon kang app. Maraming instructions sa YouTube. Actually, du’n lang din ako nagpa-guide and of course, du’n sa mga kaibigan ko.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes, tinuruan si Zia na mag-drums

Tagalized Thai series na ‘Still 2gether,’ ‘I’m Tee Me Too,’ at ‘Come to Me,’ malapit nang magpakilig sa iWant