in

Dingdong Dantes, tinuruan si Zia na mag-drums

Sinusulit talaga ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang bonding time niya kasama ang kanyang pamilya.

Sa latest Instagram stories ng Amazing Earth host, mapapanood si Zia na nagpe-play ng drums habang maririnig sa background ang boses ni Dingdong na nakabantay at nagtuturo sa anak.

Pinakita pa ni Dingdong ang laptop na may Nirvana track na maaaring ginamit nila na inspirasyon para sa kanilang drum session.

Samantala, panoorin ang fresh episodes ng Amazing Earth tuwing Linggo at 5:25pm sa GMA. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dianne Medina at Rodjun Cruz, online ang baby shower

Alden Richards, binigyang-diin ang importansya ng responsible gaming