in

Chie Filomeno, Anji Salvacion, at Jake Ejercito, solid Kapamilya pa rin

Kasama sa naganap na signing event sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, head of TV production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at kani-kanilang handler na sina Gidget dela Cuesta, Portia Morales, at Cris Tapang.

Mananatiling Kapamilya sina Chie Filomeno, Anji Salvacion, at Jake Ejercito matapos muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN sa ginanap na “Keep Shining Kapamilya” network signing event.

Nagpasalamat ang tatlong Star Magic artists sa binigay na pagkakataon ng ABS-CBN na maabot ang kanilang pangarap at makagawa ng sari-sarili nilang pangalan sa industriya.

“The feeling is overwhelming like no words can describe what I’m feeling right now. The journey I had was indeed a rollercoaster ride, and I wouldn’t trade it for anything else,” saad ni Chie.

Nagsilbing pangalawang tahanan ni Chie ang ABS-CBN, at dito siya nakilala ng nakararami bilang calendar vixen, dancer, at aktres na napabilang sa mga programang “Got to Believe,” “Love in 40 Days,” at “Beach Bros.” Makikipag-sabayan din siya kina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon sa pelikulang “A Very Good Girl” na ipapalabas ngayong Setyembre.

Samantala, naging emosyonal naman si Anji matapos pumirma ng kontrata. Aniya, hindi siya makapaniwala na ang island girl na katulad niya mula sa Siargao ay magiging isa sa hinahangaang Kapamilya stars ngayon.

“It’s tears of gratefulness kasi looking back where I started, I was very glad to every people that I’ve worked with. Thank you so much for the opportunity to showcase me, not just my talent but myself as a person,” pagbahagi niya.

Mula sa kanyang pagsali sa “Idol Philippines” hanggang sa makilala bilang Big Winner ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10,” naging makulay ang Kapamilya journey ni Anji. Sa ngayon, abala siya sa paggawa ng bagong musika, kabilang ang kanyang single na “Paraiso,” at patuloy na sumasabak sa aktingan pati hosting.

Isa rin sa mga mananatiling solid Kapamilya si Jake Ejercito, na nagmula sa pamilyang kinikilala sa showbiz. Dito rin niya inamin na nag-dalawang isip siya sa pagpasok sa industriya, pero nanaig ang kanyang kagustuhang sundan ang mga yapak ng kanyang magulang.

“I’ve always been reluctant sa pagpasok sa industriya. But at the back of my head, gusto ko talagang i-pursue din ‘yung acting. So kung ano ‘yung nag-trigger to me during that time, parang nag-decide ako na ako naman. Susundin ko kung anong gusto ko, na I want to give it a shot kung para sa akin ba talaga ito,” ika ni Jake.

Nagbunga ang kanyang karera sa showbiz bilang Kapamilya, na kinilala sa kanyang mga pagganap sa “Marry Me, Marry You,” “Fit Check: Confessions of an Ukay Queen,” at sa award-winning teleserye na “The Broken Marriage Vow.” Isa rin siya sa cast ng “A Very Good Girl” at ng inaabangang serye na “Linlang.”

Kasama sa naganap na signing event sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, head of TV production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at kani-kanilang handler na sina Gidget dela Cuesta, Portia Morales, at Cris Tapang.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alfred Vargas, bumaba ang self esteem at na-depress nang lumaki

NCAA Season 99, magsisimula na!