in

K-Pop artist na si Ailee inawit ang OPM Classic na ‘Kahit Isang Saglit’

Na-in love agad ang K-pop artist na si Ailee sa kantang “Kahit Isang Saglit” noong una pa lang niya ito narinig. Kaya’t buong puso niya itong inawit nang binigyan siya ng pagkakataong makagawa ng sariling bersyon para sa “KAIBIGAN: A Troy Laureta OPM Collective Vol. 1” album ng musical director na si Troy Laureta.

“First time I heard it I knew that I wanted to sing it. This song is beautiful. The melody of the song really captured me,” kwento ni AILEE.

Sa kabila ng pangamba ng award-winning Korean-American singer na hindi ito mabigyan ng hustisya dahil sa unang beses niyang pagkanta ng Filipino song, tuloy-tuloy ang naging recording niya ng awitin kasama si Troy virtually habang siya ay nasa recording studio.

Mula sa ABS-CBN Music International ang “KAIBIGAN” album na sinimulan ng Fil-Am music producer na si Troy upang magbigay-tribute sa OPM love songs at ipakilala ito sa buong mundo.

Isinama niya ang “Kahit Isang Saglit” na unang inawit ni Martin Nievera dahil isa aniya itong paboritong karaoke anthem ng kanyang ama.

Bagay na bagay naman daw ang bagong bersyon nito kay AILEE na nakilala niya sa isang concert ni David Foster.

“The song lyrically is so emotional, so gentle, and so delicate but still powerful and that for me is AILEE,” paglalahad ni Troy.

Nakita rin niya ang kolaborasyong ito bilang fusion ng K-drama official soundtracks (OST) at Filipino teleserye theme songs. Aniya, isa siyang avid K-pop fan at sa tingin niya ay maraming similarities ito sa OPM at hindi nalalayo ang “Kahit Isang Saglit” sa mga nakasanayan nang awitin ni AILEE.

Si AILEE ang boses sa likod ng “I’ll Go To You Like The First Snow,” isang original soundtrack ng sikat na K-drama na “Goblin.”

Bukod kay AILEE, kabilang din sa “KAIBIGAN” album sina Cheesa, Jake Zyrus, Matt Bloyd, Nicole Scherzinger, Pia Toscano, Regine Velasquez, at Sheléa na may kani-kaniyang magagandang rendisyon ng natatanging OPM ballads.

Patuloy na pakinggan ang “KAIBIGAN” album sa iba’t ibang music streaming services worldwide. Panoorin din ang lyric at music videos nito sa Star Music YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Public Affairs, may #JabWellDone campaign

Nora Aunor, gaganap bilang caregiver sa #MPK ngayong Sabado