in

Nora Aunor, gaganap bilang caregiver sa #MPK ngayong Sabado

Tunghayan ang natatanging pagganap ng Superstar na si Ms. Nora Aunor bilang isang caregiver sa ‘Magpakailaman’ episode na pinamagatang ‘Ang Sakripisyo ng Isang Ina: The Nancy Cañares story’ ngayong Sabado (May 1). 

Simple at masaya ang buhay ng mag-asawang Nancy (Nora) at Tony (Ricky Davao). Subalit, isang matinding pagsubok ang dumating sa kanilang buhay nang inatake sa puso si Tony at naospital. 

Dahil patuloy na nababaon sa utang at nagrebelde pa ang isa sa kanilang mga anak, kinailangan ni Nancy na magtrabaho bilang caregiver. Dahil sa husay sa trabaho, inalok siya ng kanyang mayamang amo at pasyente na sumama sa ibang bansa. 

Iwanan nga kaya ni Nancy ang kanyang asawa, anak, at apo kapalit ng mas malaking pera sa ibang bansa?

Huwag palampasin ang espesyal na pagganap ni Ms. Nora Aunor sa #MPK – sa ilalim ng direksyon ni Maryo J. delos Reyes DGPI – ngayong Sabado, May 1, 8pm sa GMA. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

K-Pop artist na si Ailee inawit ang OPM Classic na ‘Kahit Isang Saglit’

Fresh collabs paiinitin ang ‘ASAP Natin ‘To’ ngayong Linggo