Full of kilig at excitement ang pinakita ng mga netizens matapos ma-announce na makakasama na sa Mga Batang Riles simula ngayong Lunes ang Star of the New Gen na si Jillian Ward.
Kakaibang Jillian ang mapapanood dito dahil aniya pang-action star ang datingan ng mga eksena niya sa serye. Sey ni Jillian “Sa role kong ito, gusto ko ma-experience, gusto ko mag-try ng something new sa style. Isa na akong Batang Riles!”
Nakita naman ang pamumula at tila kilig face ng Mga Batang Riles aktor na si Raheel Bhryia matapos nga silang magkita ng happy crush na si Jillian sa set.
Comment ng ilang netizen “Hindi naman halatang kilig ang Raheel ee, pulang pula na, kulang nlng lumipad sa langit na mala rocket”. Sa interview naman ng 24Oras sa Mga Batang Riles, sey ni Raheel “Naglu-look forward ulit kasi na-miss ko rin ‘yung mga eksena namin sa Abot-Kamay Na Pangarap.”
Dagdag kilig na nga ba ito o panibagong aksyon? Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.