Matapos ang masayang linggo kasama si Donny Pangilinan, isang D na naman ang pumasok ng Bahay ni Kuya.
Walang iba kung hindi ang Pambansang Ginoo na si David Licauco! May isang masayang task si Kuya para kay David, kunektado kaya ito sa kamakailan niyang pagbibiro sa kaibigang si Dustin?
Samantala, pinatawan naman ng automatic nomination ang Kapuso actress na si Shuvee Etrata dahil sa sunud-sunod na violations. Isa na rito ang pagkabasa ng lapel mic niya matapos na subukang sagipin ang housemate na si Klarisse De Guzman sa swimming pool.
Sey ng ilang netizen, “Shuvee, you did that for good faith. You never intend to do that on purpose. May you be blessed a thousand fold.” Kasama ni Shuvee ang ka-Duo na si Bianca De Vera sa pagkakaroon ng automatic nomination. Nominado rin ngayong linggo ang mga duo na JoRa (Josh at Ralph) at XyDust (Xyriel at Dustin).
Abangan gabi-gabi ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab sa GMA Prime!