Matapos ang sunud-sunod na reveal ng cast ng upcoming serye na Sang’gre ay nagdiwang naman ang buong GMA Network sa ika-20 anibersaryo ng legendary serye na Encantadia.
Nagkaroon ng isang masayang Sang’gre for a Day kung saan nakasama ng ilang mga empleyado ang new generation of Sang’gre na sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva, pati na rin ang iconic character na si Nunong Imaw. Kasunod naman nito ay nagkaroon ng live discussion ang Headwriter na si Onay Sales at direktor ng series na si Enzo Williams kasama ang mga Encantadiks kung saan sinariwa nila ang mga paboritong eksena at mga aabangan sa bagong yugto ng Sang’gre.
Samantala, nagbigay naman ng kani-kaniyang mensahe ang mga naunang gumanap na Sang’gre na sina Iza Calzado, Karylle, at Diana Zaburi bilang paggunita sa makasaysayang serye. Sey ni Iza “Can’t believe it’s been 20years! Hasne Ivo Live, Encantadia”.
Habang pasasalamat naman ang pinahayag ni Karylle sa kanyang Instagram post “Alena lives on in every single happy interaction I have with someone who spent their childhood with us. I thank every single one of you who ever took the time to tell me about your childhood”. Sey naman ni Diana “Una kong teleserye ang Encantadia, wala ako ka alam alam dito pero minahal niyo si Danaya. Happy 20 years sa lahat nang mga Ashti.”
Avisala Eshma sa dalawang dekadang mahika. Happy Anniversary sa lahat ng Encantadiks. Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang’gre sa GMA Prime, malapit na malapit na!