in

Queendom: Live, pinahanga ang concert-goers!

Mark your calendars, mga Kapuso, at sabay-sabay nating tuklasin ang mundo ng mga alitaptap this December 25!

Hindi binigo ng Divas of the Queendom na sina Rita Daniela, Hannah Precillas, Thea Astley, Mariane Osabel, Jessica Villarubin, at Julie Anne San Jose ang kanilang fans dahil talaga namang world-class performance ang ipinamalas nila sa Queendom: Live, ang first-ever concert nila together na ginanap nitong Sabado (December 2) sa Newport Performing Arts Theater.

Mula sa powerful solo performances hanggang sa makatindig-balahibong group performances, masasabi talagang top-notch talent ang nasilayan ng mga fans na nanood at nakisaya sa concert. Kung versatility ang pag-uusapan, hindi maide-deny na taglay ito ng divas gayong iba-ibang genre ng kanta ang mahusay nilang ipinarinig sa concertgoers. Deserve na deserve talaga nina Rita, Hannah, Thea, Mariane, Jessica, at Julie ang hiyawan at standing ovation mula sa fans dahil tunay silang world-class total performers.

Hindi rin syempre matatawaran ang kalidad ng production ng concert — nagsanib-pwersa ba naman ang GMA Synergy at GMA Entertainment Group na kilalang-kilala sa pag-produce ng award-winning concerts at talents.

Congratulations Rita, Hannah, Thea, Mariane, Jessica, Julie, at sa lahat ng tao sa likod ng Queendom: Live!

NCAA Finals, mapapanood sa GTV

Anong team kaya ang mag-uuwi ng championship crown ngayong taon?

Paniguradong aabangan ng NCAA at basketball fans ang maaksyong bakbakan ng San Beda Red Lions at Mapúa Cardinals sa Finals ng NCAA Season 99 Men’s Basketball Tournament na nagsimula ngayong Miyerkules (December 4) sa Mall of Asia Arena. Mapapanood din ang intense na sagupaan sa GTV at social media pages ng NCAA at GMA Sports. Sa Sunday (Dec. 10) naman ang Game 2 na mapapanood din live nang 2PM.

Suportahan ang inyong championship bet at huwag palampasin ang action-packed NCAA Finals game, mga Kapuso!

Full trailer pa lang, pinusuan na! Firefly, inaabangan na!

‘Nakakapanindig-balahibo.’ Ganito kung ilarawan ng netizens ang full trailer ng pelikulang Firefly, ang official entry ng GMA Public Affairs at GMA Pictures sa 2023 MMFF na ipalalabas this December 25 sa mga sinehan nationwide.

Puring-puri sa online world ang trailer dahil sa magandang cinematography at mga nakapupukaw na eksenang talaga namang punung-puno ng emosyon. Very catchy rin kasi ang official movie soundtrack na “Alapaap” na kinanta ng bandang Dilaw.

Komento ng isang netizen, “The movie hits differently. Ang interesting ng plot. Grabe rin yung impact nung theme song — ganda ng rendition.” Confident namang sinabi ng isang netizen na malayo ang mararating ng pelikulang ito, “Ipagpatuloy ninyo ito GMA Pictures at GMA Public Affairs ‘cause Firefly has a potential na makaabot sa international scene.” Dagdag naman ng isa, “Goosebumps. Naiyak ako bigla. Must see!”

Directed by Zig Dulay, mapapanood sa pelikula ang mga bigating stars gaya nina Alessandra de Rossi, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayoy Aguila, Kokoy de Santos, child star Euwenn Mikaell, at iba pang naglalakihang artista. May special participation din dito si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN Christmas Station ID na ‘Pasko ang Pinakamagandang Kwento,’ itinampok ang GMA Network, TV5,at A2Z sa makasaysayang music video

Bernadette Sembrano, may maagang pamasko para sa viral na tatay na walong oras na nag-babike sa ‘Tao po’