in

‘Senior High’ umani ng isang bilyong views sa Tiktok

Lalo namang magiging komplikado ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Luna sa pagpasok ng karakter ni Grae Fernandez sa buhay ni Sky (Andrea Brillantes) bilang ang misteryosong binata na si Yosef.

Lalong umiigting ang mga emosyon sa hit Kapamilya teleseryeng “Senior High” pagkatapos nitong makalikom ng isang bilyong views sa TikTok kasabay ng pagbubukas ng bagong kabanata ng serye.

Sa isang pasabog na trailer na inilabas para sa bagong kabanata, nabulabog ang netizens sa sunod-sunod na rebelasyon kaugnay sa pagbubuntis ni Luna noong namatay siya. Ipinasilip dito ang posibleng ‘baby daddy’ na si Gino (Juan Karlos), ang dating lover ni Luna, at si professor Castrodes (Floyd Tena), ang dating vice-principal ng Northford na ikinulong dahil sa panggagahasa ng isang estudyante noon.

Lalo namang magiging komplikado ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Luna sa pagpasok ng karakter ni Grae Fernandez sa buhay ni Sky (Andrea Brillantes) bilang ang misteryosong binata na si Yosef.

Samantala, maglalabasan na rin ng baho sa mga love triangle sa serye dahil lalong magiging close sa isa’t isa sina Poch (Miggy Jimenez) at Tim (Zaijian Jaranilla), habang manggagalaiti sa galit si Harry (Baron Geisler) dahil sa panloloko ng kanyang asawang si Sasha (Desiree Del Valle) kasama ang katrabaho niyang si Darius (Ryan Eigenmann).

Tutukan ang mga rebelasyon sa “Senior High” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Can’t Buy Me Love’, no. 1 sa Netflix PH; tumabo na ng 500 million views sa Tiktok

ABS-CBN Christmas Station ID na ‘Pasko ang Pinakamagandang Kwento,’ itinampok ang GMA Network, TV5,at A2Z sa makasaysayang music video