in

Bini, haharanahin ang ‘Karera’ ng huhay sa bagong single

Ang awitin ay patikim ng grupo sa kanilang bagong EP na ilalabas ngayong Nobyembre. Saksihan ang kanilang comeback performance sa “It’s Showtime” (Set. 23), Watsons Playlist Concert (Set. 24), 101.1 Yes FM at 96.3 Easy Rock (Set. 26), MOR Good Time To (Set. 27), at Wish Bus (Set. 28).

Handa na ang female P-pop group na BINI sa kanilang bagong era dala ang comeback single na “Karera” na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes (Set. 22).

Sa upbeat track, binigyang diin ng grupo na hindi kailangan madaliin ang buhay dahil ang bawat isa ay may kanya-kanyang oras at pagkakataon. Isinulat nina Gianina Camille “Nica” Del Rosario, Julius James “Jumbo” De Belen, at Jose Miguel Cortes ng Flipmusic ang awitin habang binuo naman ng BINI members na sina Colet, Mikha, at Stacey ang rap nito.

Ang awitin ay patikim ng grupo sa kanilang bagong EP na ilalabas ngayong Nobyembre. Saksihan ang kanilang comeback performance sa “It’s Showtime” (Set. 23), Watsons Playlist Concert (Set. 24), 101.1 Yes FM at 96.3 Easy Rock (Set. 26), MOR Good Time To (Set. 27), at Wish Bus (Set. 28).

Patuloy na namamayagpag ang tinaguriang nation’s girl group matapos maging nominado ang kanilang awitin na “I Feel Good” bilang Music by International Music Artist sa BreakTudo Awards sa Brazil. Noong nakaraang taon, inilabas din nila ang kanilang ikalawang album na “Feel Good” na umani ng mahigit limang milyong streams sa Spotify at nanguna rin sa iTunes Albums chart Philippines.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bernie Batin of Berniecular Vlogs, ibinahagi kung paano naging susi sa tagumpay ang social media sa ‘My Puhunan’

Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, at cast ng ‘A Very Good Girl,’ dinumog ng libo libong fans sa Cebu