in

Mga kakaibang kuwento, hatid ng ‘KMJS’ ngayong Linggo!

At malalaman na rin sa wakas kung kanino nga ba ang halos apat na milyong piso na pinagkaguluhan matapos liparin sa kalsada sa Cebu City.

Siguradong magsasama-sama na naman ang mga pamilyang Pilipino this Sunday night para panoorin ang 2023 New York Festivals Gold World Medal awardee na ‘Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS)!

For sure, maiinspire ang viewers sa kuwento ng mag-asawang janitor na napagtapos ang dalawang anak sa Ateneo — at with flying colors pa! Nakaiintriga ring malaman ang naging sikreto ng viral couple na naging puhunan daw ang tiwala at pagmamahal sa isa’t isa para maging matagumpay sa buhay. Siguradong mapapaisip din ng malalim ang mga Kapuso sa kakaibang kuwento ng lalaki sa Davao Occidental na diumano himalang hindi tinablan ng siyam na bala, pati ang kuwento ng mga turista sa farm resort sa Laguna na nagmukha raw siyokoy nang picturan.

Marami ring matututunan ang viewers sa sinapit ng magkakaanak sa Zamboanga del Norte na nalason matapos kainin ang isa sa pinakamakamandag na alimango sa buong mundo. Tampok din ang nakaaawang nangyari sa isang misis sa Valenzuela na lumobo ang dibdib. Ano kaya ang dahilan?

At malalaman na rin sa wakas kung kanino nga ba ang halos apat na milyong piso na pinagkaguluhan matapos liparin sa kalsada sa Cebu City.

Lahat ng ‘yan, sa KMJS lamang mapapanood! Tutok na ngayong Linggo, 8:50 PM sa GMA 7, GTV, at Pinoy Hits channels.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Basketball idols, tampok sa ‘GMA Masterclass: The Sports Series’

Gus Abelgas, magbabalik telebisyon sa One PH