in

Basketball idols, tampok sa ‘GMA Masterclass: The Sports Series’

GMA Network ang proud home ng NCAA, kaya siguradong the best ang coaching at training sa participants.

Talagang achieve na achieve ang greatness sa San Juan City ngayong Sabado, July 8, dahil dadalhin ng GMA Regional TV and Synergy sa Barangay Greenhills Multi-Purpose Hall ang ‘GMA Masterclass: The Sports Series.’ Magsisimula ito ganap na 1PM.

Mahahasa ang skills ng young basketball enthusiasts dahil no less than ang basketball idol na si Rommel “The General” Adducul ang magtuturo sa kanila. Kasama ring gagabay sa kanila sina Christiana Dimaunahan, Danielle Kelsey Mallari ng Arellano Chiefs, Enoch Valdez ng LPU Pirates, at Ralph Penuela ng San Beda Red Lions.

Ito na ang third stop ng ‘GMA Masterclass: The Sports Series’ matapos itong magtungo sa Tarlac noong June 24 at Batangas noong July 1 kung saan ang mga Philippine basketabll legends na sina Ronnie “The Point Laureate” Magsanoc at Johnny “The Flying A” Abarrientos ang kasama ng mga NCAA players sa pagtuturo sa mga kabataang gustong sumabak sa basketball..

GMA Network ang proud home ng NCAA, kaya siguradong the best ang coaching at training sa participants. Abangan kung saang lugar sunod na dadayo ang ‘GMA Masterclass: The Sports Series!’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapamilya at Kapuso stars nagsanib-pwersa sa unang episode ng ‘It’s Showtime’ sa GTV

Mga kakaibang kuwento, hatid ng ‘KMJS’ ngayong Linggo!