in

Belle Mariano, ibinuhos ang damdamin sa ‘Somber’

Nakatakda naman ilabas ang ikalawang bahagi ng album ni Belle na tatawaging “Solemn” sa susunod na taon.

Kwento ng pagsubok at pag-asa sa buhay ang ibinida ng New Gen Phenomenal Actress at singer-songwriter na si Belle Mariano sa kanyang bagong album na “Somber” na inilunsad sa ilalim ng Star Pop.

Sa anim na tracks ng album, binigyan diin ni Belle ang pagiging matatag sa gitna ng mga kabiguan. Kasama ni Belle sa pagsulat ng mga awitin ang Kapamilya artists na sina Cesca, Trisha Denise, at Jeremy G habang nanguna sa produksyon ng album si Star Pop label head Rox Santos. Ito rin ang unang bahagi ng kanyang two-part album.

Hatid naman ng key track na “Somber and Solemn” ang mensahe ng pagtanggap ng mga pagkakamali at pagpapahalaga sa buhay sa gitna ng pagsubok. Ilan pa sa original tracks ng album ang “Roadtrip,” “Session Road,” “Pansamantala,” “Running Out of Time,” at “Bugambilya.”

Nanguna agad ang “Somber” sa iTunes Philippines Albums chart habang pasok ang lahat ng tracks nito sa Top 30 ng iTunes Philippines Singles chart sa loob lamang ng tatlong araw.

Nakatakda naman ilabas ang ikalawang bahagi ng album ni Belle na tatawaging “Solemn” sa susunod na taon.

Nakilala si Belle sa kanyang pagbida sa iba’t ibang proyekto tulad ng hit series na “He’s Into Her” at rom-com hits na “Love Is Color Blind” at “An Inconvenient Love.” Bukod sa pag-arte, inilabas din niya ang singles na “Sigurado” at “Tanging Dahilan” na naging bahagi ng kanyang debut album na “Daylight” noong 2021.

Pakinggan ang latest album ni Belle na “Somber” available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Regine Velasquez, babalikan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-awit sa ‘Tao Po’ ng ABS-CBN Current Affairs

Kapamilya at Kapuso stars nagsanib-pwersa sa unang episode ng ‘It’s Showtime’ sa GTV