in

Primetime shows ng ABS-CBN, nagtala ng bagong online record sa loob ng isang gabi

Mula Pebrero hanggang Abril 2023, nagtala ng higit 642 milyong total views ang tatlong Kapamilya primetime shows sa Kapamilya Online Live.

Nagtala ng panibagong all-time high online viewership record ang tatlong primetime shows ng ABS-CBN sa loob lamang ng isang gabi noong Martes (Mayo 30) para sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Back-to-back ang record-breaking nights ng “FPJ’s Batang Quiapo” na nakakuha ng 408,614 live concurrent views. Isang makapigil-hiningang episode ang nasaksihan ng mga manonood matapos mamatay ni Greg (RK Bagatsing) sa salpukan laban sa grupo ni Tanggol (Coco Martin).

Tinutukan din ng viewers ang patuloy na misyon ni Apollo (Richard Gutierrez) sa “The Iron Heart” sa pagpapabagsak niya sa Tatsulok kaya naman nakamit nito ang panibagong all-time high live concurrent views na 304,208. Mas magiging kaabang-abang ang susunod na eksena ngayong napasabog na ni Adonis (Ryan Eigenmann) ang hideout ni Apollo at nalaman din ni Priam (Albert Martinez) na agent din si Eros (Jake Cuenca).

Panibagong online record din ang nakamit ng “Dirty Linen” na may 149,410 live concurrent views. Lalong umiigting ang mga rebelasyon sa serye dahil nanganganib na mabisto ang paghihiganti ni Mila (Janine Gutierrez) ngayon na bantay-sarado ang pamilya Fiero sa mga pulis matapos ang pagkamatay ni Carlos (John Arcilla).

Mula Pebrero hanggang Abril 2023, nagtala ng higit 642 milyong total views ang tatlong Kapamilya primetime shows sa Kapamilya Online Live.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Misha de Leon ng ‘Idol PH’ S2, naglabas ng debut single

Vivoree Esclito, mapait ang karanasan sa ‘Dalawang Isip’