Isa sa mga dapat abangan sa most epic primetime series ngayong taon ang pagkanta ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose sa theme song ng “Voltes V: Legacy.”
Para sa mga nakapanood na ng special edit ng serye via “Voltes V Legacy: The Cinematic Experience,” talaga namang amazing ang ipinakitang husay ni Julie Anne na kumanta in Japanese! Major anime vibes ba kamo?!
Komento pa ng ilang netizens sa GMA Network YouTube account, “Sobrang bagay sa boses ni Julie Anne! Multi-instrumentalist, singing multilingual songs! Limitless talaga, wala kong masabi! Congrats, Julie Anne! Versatile at napaka-talented mo!”
Very grateful naman si Julie Anne sa natatanggap na positive comments. Ayon sa kanya, “This is definitely a great opportunity that can’t be missed. And the fact that I have been receiving positive feedback from the OG fans about my rendition is such a relief and a proud moment for me.”
Aminado rin si Julie Anne na fan siya ng Voltes V kaya isa raw karangalan na maging parte ng groundbreaking project na ito ng GMA Network.
“I myself am a fan of Voltes V, especially when I was a kid. Voltes V: Legacy is one of the most anticipated GMA shows this year and I still can’t believe that they have entrusted me to sing its very nostalgic and iconic theme song. I am truly honored and grateful to be part of this remarkable project,” dagdag pa ng Asia’s Limitless Star.
Mula sa pagganap bilang Maria Clara hanggang sa pagkanta ng iconic Japanese theme song, muli na namang pinatunayan ni Julie Anne ang kanyang galing at talento bilang isang performer at artista. We are proud of you, Kapuso!
Panoorin ang sneak peek ng serye sa SM Cinemas hanggang April 25. Abangan din ang much-awaited premiere ng Voltes V: Legacy sa GMA Telebabad this May 8 na!