in

Janine Berdin, ‘di sinuklian ang pag-ibig sa ‘Bagay Nga Tayo Pero’

Isa lamang si Janine sa multi-talented artists na bahagi ng ABS-CBN Music family.

Tungkol sa pagmamahal na hindi sinuklian ang kanta ni Janine Berdin na “bagay nga tayo pero,” ang pinakabago niyang proyekto kung saan naipamalas niya ang galing mula sa pagsulat ng kanta hanggang sa pagpili ng cast na bibida sa music video nito.

Pinagmamalaki niya ang bagong pop single na siya rin ang nagprodyus katulong sina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Eugene Yaptangco.

“I’m so so proud of this one, wrote and did some arranging and producing overall,” sabi ng “Tawag Ng Tanghalan” season 2 grand champion.

Sa unang pagkakataon, nagamit ni Janine ang kanyang talento sa visual arts dahil siya mismo ang gumawa ng cover art ng kanta. Siya rin ang lumikha ng lyric video nito sa tulong ng ilang mga kaibigan.

Para naman sa nalalapit na ilabas na music video ng kanta, si Janine mismo ang bumuo ng konsepto at nanguna pa sa casting.

Isa lamang si Janine sa multi-talented artists na bahagi ng ABS-CBN Music family. Inilunsad niya ang kanyang debut EP na “WTF I actually wrote these songs” noong nakaraang taon. Tampok dito ang mga awiting “The Side Character,” “Pagod Na Ako,” “SHE WAS ONLY 16,” at iba pa.

Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Atty. Marites A. Barrios-Taran, bagong hirang na Direktor Heneral ng KWF

Panukalang magbibigay ng Tax Break sa mga Film at Music Industries, inihain ni Sen. Lito Lapid sa Senado