in ,

‘Unica Hija,’ hindi nauubusan ng plot twists sa huling 2 linggo!

Talaga namang dalang-dala ang viewers sa mga pagsubok ng human clone!

Patindi nang patindi ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime series na “Unica Hija.”

To the rescue na ang isa sa mga clone na si Agape para iligtas si Hope (Kate Valdez) mula kay Lucas (Bernard Palanca). Maging successful kaya ang plano nila?

Panawagan naman ng fans, sana raw ay maging masaya na si Hope sa piling ng kanyang ina na si Diane (Katrina Halili) at mapanagot ang may atraso sa kanila. Talaga namang dalang-dala ang viewers sa mga pagsubok ng human clone!

Magkaroon nga kaya ng happy ending ang kuwento ni Hope? Tutukan ang huling dalawang linggo ng “Unica Hija” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20PM sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘LUV IS: Caught In His Arms,’ may more than 400M views na sa TikTok!

‘The Clash 2023,’ may napili nang Top 15!